Paano maglaro: May apat na letratong makikita sa pahina. Tatlong bagay ay mula sa isang uri habang ang natitirang bagay ay naiiba at mula sa ibang uri. Pindutin ang mga letrato para marinig ang salita. Pindutin ang bilog na kulay katabi ng letratong naiiba. Pindutin ang malaking berdeng palaso para maiba ang problema. Maiiba ang problema na makikita tuwing pipindutin ang berdeng palaso.
Anong pag-aaralan dito: Matututo ang mga mag-aaral ng tungkol sa iba’t ibang uri: hayop, ibon, gusali, tao, damit, at iba pa. Maaaring gawin itong aktibidad kahit hindi alam ng mag-aaral ang bagong wika kaya maganda itong aktibidad para masanay ang mag-aaral sa tunog ng wika at matutunan ang mga salita.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Pindutin ang letrato at sabihin ang salita na katugma ng letrato. Sa susunod, subukang sabihin ang salita bago pindutin ang letrato. Kapag tapos na ang aktibidad at napili ang naiibang bagay, ulitin ang pangungusap na iyong narinig.
Aktibidad pang grupo: Pagkatapos gawin itong aktibidad, pag-aralan ang mga bokabularyo habang nagtatanong tulad ng “Nasaan ang lapis?,” o “Nasaan ang kamiseta?,” at iba pa. Habang pagtagal, maaari mong itanong kung ano ang mga bagay. Hayaang magimbento ng problema ang mag-aaral habang gamit ang iba’t ibang letrato galing ng diyaryo at idikit ito sa isang pahina. Dapat alam ng mag-aaral ang mga iba’t ibang uri sa pahina para maitanong ng ibang kaklase kung malulutas nila ang problema. Dapat alam nila ang mga pangalan ng mga bagay katulad ng laro dito.