Hello-World

Filipino Tagalog: Ayusin Ayusin mula sa pinakamaliit papuntang pinakamalaki

arrangeFilipino Tagalog: Ayusin Ayusin mula sa pinakamaliit papuntang pinakamalaki biggest

Papaano maglaro: Pindutin ang kahit na anong letrato para marinig ang salita. Kapag simula ng laro, itatanong sa iyo kung mahahanap mo ang pinakahuli sa grupo (pinakamalaki, pinakamatanda, pinakamabilis, at iba pa) at iurong mo sa pulang linya na kumikislap. Sa susunod, itatanong sa iyo kung mailalagay mo ang pinakauna (pinakamaliit, pinakabata, pinakamabagal, at iba pa) at iurong mo sa pulang linya na kumikislap. Pagkatapos mong ilagay ang una at huling letrato, maaari mong isaayos ang mga natitirang letrato sa kanilang tamang ayos. Kapag natapos mong isaayos ang mga bagay, pindutin ang palaso para mahalo ang mga letrato at makapaglaro ulit. Kapag sinubukan mong ilagay and letrato sa maling posisyon, ibabalik ang letrato kung saan ito nagsimula at makakakita ka ng malungkot na mukha.

Anong matutuhan: Matutunan ng mag-aaral ang mga bokabularyo para maghambing ng mga bagay at mga pangalan ng mga bagay. Makakatulong itong aktibidad para magisipng lohikal at maghambing ng mga bagay.

Para mas maintindihan ang aktibidad: Sabihin ang mga salita na iyong naririnig. Pagkatapos maglaro ng isang beses, subukang sabihin ang mga pangungusap bago isaayos sa tamang puwesto.

Panggrupong aktibidad: Ipakita ang dalawang bagay. Itanong kung ano ang pinakamalaki o pinakamaliit, at iba pang mga halimbawa. Gamitin ang mga bagay sa kuwarto o maghanap ng letrato ng mga bagay o ilimbag ang mga pahina gamit ang komputer at gupiting ang mga letrato. Bigyan ng isang letrato ang bawat estudyante at hayaan isaayos nila ang kanilang sarili sa tamang ayos. (Mas mainam kung isasaayos ang mga bata na maliliit na grupo, tatlo o apat na bata para sa aktibidad) Maaaring sabihin ng bawat estudyante kung anong letrato ang kanyang hawak. Ilagay ang mga letrato sa mesa at tumawag ng isa o mga bata para isaayos ang letrato. Subukang gumamit ng mga iba’t ibang gamit, hindi lang mga bagay sa laro sa komputer. 

    Filipino Tagalog  
 soundAling oso ang pinakamalaki? 
 soundAling oso ang pinakamaliit? 
oso na may sombrerosoundoso na may sombrero 
oso na nakapantalonsoundoso na nakapantalon 
oso na nakadamitsoundoso na nakadamit 
oso na nakasandosoundoso na nakasando 
oso na nakakurbatasoundoso na nakakurbata 
Ang pinakamaliit na oso ay nakasombrero.soundAng pinakamaliit na oso ay nakasombrero. 
Mas malaki ang oso na nakapantalon kaysa sa oso na may sombrero.soundMas malaki ang oso na nakapantalon kaysa sa oso na may sombrero. 
Mas maliit ang oso na nakadamit kaysa sa oso na nakasando.soundMas maliit ang oso na nakadamit kaysa sa oso na nakasando. 
Mas maliit ang oso na nakasando kaysa sa oso na nakakorbata.soundMas maliit ang oso na nakasando kaysa sa oso na nakakorbata. 
Ang pinakamalaki na oso ay nakakurbata.soundAng pinakamalaki na oso ay nakakurbata.