Paano maglaro: Piliin kung numero o alpabeto ang gusto mong gamitin. Depende sa wika, minsan kailangang piliin kung malaking titik o maliit na titik ang gagamitin kung alpabeto ang pipiliin. Kapag nakita ang mga tuldok, pindutin ang mga tuldok sa tamang ayos. May makikita kang parte ng letrato pagkapapos pindutin ang bawat tamang tuldok.
Maririnig mo ang pangalan ng bagay at maaring mong ibahin ang kulay ng letrato pagkatapos pindutin ang huling tuldok Maaring magsimula uli ng panibagong letrato kung pipindutin ang numero o alpabeto na botones.
Anong pag-aaralan dito: Makakatulong matuto ang mga mag-aaral ng alpabeto at numero sa tamang ayos. Ang mga pangalan ng mga bagay at iba’t ibang kulay ay mapag-aaralan din.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Sabihin ang alpabeto o numero habang pinipindot ang mga tuldok. Sabihin ang pangalan ng mga kulay habang pinipili ito.
Aktibidad pang grupo: Habang nakabilog na pormasyon ang mga mag-aaral, pumili ng isang mag-aaral na magbibigkas ng unang titik o bilang. Ipabigkas ang susunod na titik o bilang sa bawat mag-aaral. Maari ding isulat ang bawat alpabeto o numero at itanong ang bawat mag-aaral kung paano bikasin ito. Isulat ang mga numero at titik sa papel. Bigyan ang bawat mag-aaral ng papel na may titik o bilang at hayaan silang isaayos ang kanilang sarili sa tamang ayos ng mga titik at bilang. Kung isa lamang ang mag-aaral, hayaang ayusin ng mag-aaral ang buong alpabeto o numero.