Paano maglaro: Pindutin ang sombrero, mata, ilong, bibig o hugis sa pinakataas na pulang kahon para makita ang mga mapagpipilian sa pulang kahon sa ilalim. Pindutin ang kahit na anong letrato para maiba ang itsura ng payaso. Makikita mong magsalita ang payaso gamit ang bagong bibig kung papalitan mo ang bibig. Pinapanood ng payaso ang panturo habang ginagalaw mo ito.
Anong pag-aaralan dito: Matutunan ng mga mag-aaral ang mga hugis at kulay. Pansinin kung naiiba ang ayos ng mga salita o kung papaano gamitin ang pang-uri.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Pag-aralan lahat ng mga kulay. Pindutin ang bawat kulay at sabihin ang salita. Sabihin ang salita bago pindutin ang kulay sa susunod para makita kung tama ang iyong sinabi. Ulitin ang bawat pangungusap na iyong narinig. Siguraduhin na pindutin ang bawat isang letrato para marinig lahat ng salita.
Aktibidad pang-grupo: Habang tinuturo ang iba’t ibang hugis at kulay, itanong sa mga mag-aaral kung anong pangalan ng bawat hugis o kulay. Punuin ang isang pahina gamit ang mga hugis at kulay. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang mga pangalan nito. Pahintulutang magdikit ang mga bata ng iba’t ibang mga hugis na may iba’t ibang kulay sa isang papel. Pagkatapos nilang idikit ang mga hugis, ibahagi nila kung ano ang nasa kanilang papel.