Matututuhan mo bumilang simula sa 0 (sero) hanggang 10 (sampu) o simula sa 0 (sero) hanggang 100 (isang daan). Kailangang madali mong piliin ang tamang sagot sa modang pagsusulit para makuha ang pinakamataas na puntos.
Paano maglaro: Parating maguumpisa ang akitbidad gamit ang bilang 0 hanggang 10. Pindutin ang berdeng “100” na botones para madagdag ang mga bilang hanggang 100. Pindutin ang pulang botones na may dalawang palaso para marinig ang tamang pagkakasunodsunod na pagbilang.
Pindutin ang kahit na anong numero para marinig ang pangalan nito.
Pindutin ang berdeng botones na may tandang pananong para simulan ang modang pagsusulit. Pakinggan ang pangalan ng numero na binigkas at kailangan mong pindutin ang tamang bilang.
Kung mali ang iyong piniling sagot, kikisklap ng pula ang tamang sagot.
Anong pag-aaralan dito: Matutunang bumilang ang mga mag-aaral simula sa 0 (sero) hanggang 100 (isang daan).
Para mapakinabangan ang aktibidad: Magsimula pag-aralan ang mga numero at bilang simula sa 0 (sero) hanggang 10 (sampu). Pindutin ang pulang botones para marinig ang tamang pagkakasunodsunod na pagbilang. Pagkatapos gawin ito, maaaring pindutin ang mga numero sunodsunod sa tamang ayos. Ulitin ang bawat pangalan ng bilang/numero. Sa susunod, subukang bigkasin ang numero bago pindutin ang bolang may numero, at pakinggan kung tama ang iyong sinabi. Kung alam mo na lahat ng numero simula sa 0 hanggang sa 10, gawin ang ibang mga numero hanggang 100. Pansinin kung paano binubuo ang ibang mga bilang. Huwag mong kalimutang gawin ang modang pagsusulit.
Aktibidad pang grupo: Ipakita sa mga mag-aaral ang bilang ng mga bagay at itanong sa mga mag-aaral kung ilang bagay ang kanilang nakikita. Bilangin isa isa ang mga mag-aaral habang nakabilog at siguraduhing alam ng mag-aaral ang susunod na bilang. Maaring hayaan maghalinhinang bumilang ang isang mag-aaral at guro. Itanong sa mga mag-aaral kung ilang mga bagay ang pinapakita sa kanila. Maaring maglaro ng “BINGO” habang ginagamit ang mga bilang pero siguraduhing ginagamit ang wikang pinag-aaralan.