Ilagay ang mga iba’t ibang timbang sa timbangan para makita kung gaano kabigat ang kahon.
Paano maglaro: Kaladkarin ang mga timbang sa timbangan hanggang makuha ang tamang bigat ng kahon. Makikita mo na gumalaw ang timbangan habang dinadagdagan mo ito ng mga timbang. Maririnig mo kung “kulang ang timbang” o “sobra ang timbang” na iyong dinagdag.
Anong pag-aaralan dito: Maririnig ng mga mag-aaral ang mga bilang at kung sobra o kulang ang kanilang hula kung gaano kabigat ang kahon. Matutunan din nila kung papaano magtimbang, at gamitin ang timbangan.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Ilagay ang mga pinakamabigat na timbang sa simula ng aktibidad.
Aktibidad pang-grupo: Itanong sa mga mag-aaral kung anong timbang ang nais nilang ilagay sa timbangan o kung anong timbang ang dapat nilang alisin. Kumuha ng tunay na timbangan na magamit ng mga mag-aaral para makita ang timbang ng mga iba’t ibang bagay sa silid-aralan.