Pakinggan ang mga pahiwatig at lutasin ang palaisipan gingamit ang pangangatwiran.
Paano maglaro: Pindutin ang kahit na anong bagay para marinig ang salita. Pindutin ang berdeng palaso para pakinggan ang pahiwatig.Ikaladkad ang letrato sa itaas sa tamang parisukat sa ilalim. Pagkatapos mong pakinggan ang mga pahiwatig, pindutin mo ang pulang tseke para makita kung tama ang iyong sagot. Maari mong marinig ang buong paglalarawan ng bawat letrato kung pipindutin mo ito. Pindutin ang maliit na pulang palaso para maglaro ulit.
Anong pag-aaralan dito:Dapat maintindihan ng mag-aaral ang bawat pahiwatig na maririnig upang malutas ang palaisipan. Makakatulong humukin ang pangangatwiran ng mga mag-arral habang ginagawa itong aktibidad.
Paano mapapakinabangan ang aktibidad: Sabihin ang bawat salita na iyong naririnig. Pagkatapos maglaro, subukang sabihin ang mga pangungusap bago mo kaladkarin ang mga bagay sa tamang puwesto. Pakinggan kung tama ang iyong sinabi.
Aktibidad pang-grupo: Hayaan gumawa ng sariling palaisipan ang bawat mag-aaral. Maari nilang iguhit ang mga bagay o maghanap ng mga letrato sa magasin o diyaryo at idikit sa papel. Magbigay ng mga pahiwatig ang bawat mag-aaral tunkgol sa kanyang letrato habang hindi pinapakita ang letrato sa ibang mag-aaral. Dapat hulaan ng ibang mag-aaral ang letrato.