Piliin ang damit, kulay at disenyo para sa batang babae.
Paano maglaro:
Pindutin ang botones na may kulay na gusto mong gamitin. Pindutin ang damit na gusto mong ibahin ang kulay.
Pindutin ang blusang botones para ibahin ang klase ng blusa.
Pindutin ang pantalon na botones para ibahin ang pantalon, sa korto, o palda.
Pindutin ang sapatos na botones para ibahin ang sapatos.
Pindutin ang pulang botones na may mga linya para ibahin ang dekorasyon ng blusa.
Pindutin ang kulay na botones, at pindutin ang asul na botones na may mga linya Para maiba ang kulay ng dekorasyon.
Maari mong galawin ang laso at bulaklak kahit saan mo gusting ilagay: sa buhok, sa damit, sa palda, o sa sapatos.
Anong pag-aaralan dito: Masasanay kang gamitin ang mga salitang pang-uri. Imporatanteng pansinin kung papaano sabihin ang mga salita depende sa uri ng mga bagay.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Pag-aralan ang mga iba’t ibang kulay. Pindutin ang bawat botones na may kulay at sabihin ang kulay. Sabihin mo ang kulay bago mo pindutin ang botones para malaman kung tama ang iyong sagot. Ulitin ang mga pangungusap na iyong narinig.
Aktibidad pang grupo: Pagkatapos gawin ang aktibidad, pumili ng damit at ipalarawan sa mga mag-aaral ang damit. Maaring magtanong ang isang mag-aaral tungkol sa damit at sagutin ng isang mag-aaral ang tanong. Maghalinhinan sa pagtanong at pagsagot. Pagkatapos nitong aktibidad, hayaang isalarawan ng bawat mag-aaral kung ano ang kanilang suot.