Hello-World

English: Maps Middle East

mapsEnglish: Maps Middle East middleeast

Pag-aralan ang mga bansa, kapitolyo at bandila habang ginagamit ang mga mapa

Paano maglaro: Pumili ng bansa at pindutuin ito sa mapa para makita ang bandila, kapitolyo, at ang wika na ginagamit. Pindutin ang botones katabi ng salita upang marinig kung papaano bigkasin ang salita.

Maari mo ring piliin ang mga bansa habang ginagamit ang listahan.
Pindutin ang tandang pananong para maging pansusulit na paraan ang aktibidad. Habang ginagamit ang pansusulit na paraan, maririnig ng mag-aaral ang pangalan ng bansa at kailangan niyang piliin kung nasaan ito sa mapa habang pinipindot ang lokasyon sa mapa.
Anong pag-aaralan dito: Matutuhan ang mga pangalan ng mga bansa, kapitolyo at mga bandila pati ang wika na ginagamit ng bawat bansa.

Para mapakinabangan ang aktibidad: Ulitin ang mga salita na naririnig habang pinipidot ang bawat salita. Pindutin ang bawat bansa at piliin ang pansusulit na paraan para masubukan kung naaalala mo ang lokasyon ng bawat bansa.
Aktibidad panggrupo:  Hatiin ang mga mag-aaral para maging miyembro ng dalawang grupo. Ang miyembro ng bawat grupo ay magkakaroon ng pagkakataon na sabihin ang kapitolyo o bansa habang ang kalabang grupo ay sasagutin kung ano ang katugmang bansa o kapitolyo. Kung maraming mag-aaral sa klase, maaring gumawa ng mas maraming grupo.