Matutunang galawin ang panturo (“mouse”) habang hinahanap ang mga nakatagong letrato
Paano maglaro: Galawin ang panturo sa loob ng kuwadro para mailantad ang nakatagong letrato. Pindutin ang letrato para marining ang pangalan ng hayop kapag naging kamay ang panturo. May makikita kang malaking berdeng palaso kapag nahanap mo na lahat ng mga hayop at napindot mo na ang bawat hayop. Maari mong ulitin ang aktibidad
Anong pag-aaralan dito: Kadalasang mabilis ginagalaw ng mga batang mag-aaral ang pangturo. Makakatulong itong aktibidad na matutunan ng mga bata ang kaugnayan ng paggalaw ng kanilang kamay sa letrato na kanilang nakikita sa kompyuter. Maririnig din nila ang mga pangalan ng mga hayop.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Para sa mga mag-aaral na hindi bihasa sa kompyuter, matutunan nilang galawin ng maayos ang panturo. Kadalasang ginagalaw nila ang panturo at pinipindot ang panturo sabay-sabay. Karamihan ng mga hayop ay malaki at may mga ibang maliliit na hayop para masanay sila kung paano hawakan at galawin ang panturo. (May mga ibang bata na gumagamit ng dalawang kamay habang naglalaro. Huwag kayong mag-alala, at masasanay din silang galawin ang panturo at pumindot gamit ang isang kamay.)
  | Latvijas |   |   | Tagalog |   | |
putns | ibon | |||||
čūska | ahas | |||||
lauva | leon | |||||
krokodils | buwaya | |||||
pērtiķis | unggoy | |||||
zilonis | elepante |