Gawin itong palaisipan para masanay marinig at pag-aralan ang mga bokabularyo
Paano maglaro: Ang bawat piraso ng palaisipan ay may isang bokabularyo na mapag-aaralan. Pindutin ang bawat piraso para marinig ang salita. Pindutin ang malaking berdeng palaso para mahalo ang mga piraso. Kaladkarin ang bawat piraso sa tamang puwesto para masagot ang palaisipan. Maaaring pindutin ang malaking berdeng palaso para makapaglaro ulit kapag natapos na ang palaisipan.
Anong pag-aaralan dito: Itong pagsasanay ay para sa mga nakakabatang mga mag-aaral para matutong galawin ang mouse at kaladkarin ang mga piraso at ilagay sa tamang puwesto ang bawat piraso. Maririnig din nila ang mga bokabularyo sa bawat piraso. Makikita nila ang bilang ng mga piraso para sa palaisipan. Magsimula gamit ang pinakonting piraso at damihan ang piraso kung sanay na ang mag-aaral na kaladkarin ang mouse ng maayos.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Ulitin ang mga salita na iyong naririnig. Sa susunod, sabihin ang salita bago mo pindutin ang letrato at pakinggan kung tama ang iyong sinabi..
  | Latvijas |   |   | Tagalog |   |