Pakainin ang lalaki para matutunan ang mga pangalan ng mga pagkain at kung pangisahan o pangmaramihan.
Paano maglaro: Kaladkarin ang bagay sa kamay ng lalaki. Itatanong sa iyo kung kinakain ng lalaki ang bagay. Pindutin ang botones para sagutin ang tanong kung oo o hindi. Ulitin sa bawat letrato para makita kung ano ang kinakain ng lalaki.
Anong pag-aaralan dito: Matutunan mo ang modelo ng isahan o pangmaramihan. May mga bagay na isahan at iba ay pangmaramihan. Pakinggang maigi ang bawat salita at pansinin kung iba ang posisyon ng mga salita depende sa bilang ng mga bagay.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Mabilis unawain kung anong kinakain at hindi kinakain ng lalaki pero dapat pag-aralan mo kung papaano sasabihin ito sa kompletong pangungusap. Ulitin ang mga pangungusap na iyong naririnig. Siguraduhin na subukan ang bawat bagay.
Aktibidad pang grupo: Pagkatapos gawin itong gawain, maaaring maghalinhinang itanong sa bawat isa kung ano ang kinakain ng lalaki. Maaring isang mag-aaral ang magtatanong at isang mag-aaral ang sasagot. Maaring pumili ng isang mag-aaral na maging aktor o artista. Bigyan ng mga letrato ang aktor o artista at ipaarte kung kinakain nila ang pagkain o hindi nila kakainin ang pagkain. Kailangang sabihin ng ibang mga mag-aaral kung kinakain niya ang pagkain o hindi.