Hello-World

Filipino Tagalog: Ayusin Ayusin mula sa pinakabata sa pinakamatanda.

arrangeFilipino Tagalog: Ayusin Ayusin mula sa pinakabata sa pinakamatanda. oldest

Papaano maglaro: Pindutin ang kahit na anong letrato para marinig ang salita. Kapag simula ng laro, itatanong sa iyo kung mahahanap mo ang pinakahuli sa grupo (pinakamalaki, pinakamatanda, pinakamabilis, at iba pa) at iurong mo sa pulang linya na kumikislap. Sa susunod, itatanong sa iyo kung mailalagay mo ang pinakauna (pinakamaliit, pinakabata, pinakamabagal, at iba pa) at iurong mo sa pulang linya na kumikislap. Pagkatapos mong ilagay ang una at huling letrato, maaari mong isaayos ang mga natitirang letrato sa kanilang tamang ayos. Kapag natapos mong isaayos ang mga bagay, pindutin ang palaso para mahalo ang mga letrato at makapaglaro ulit. Kapag sinubukan mong ilagay and letrato sa maling posisyon, ibabalik ang letrato kung saan ito nagsimula at makakakita ka ng malungkot na mukha.

Anong matutuhan: Matutunan ng mag-aaral ang mga bokabularyo para maghambing ng mga bagay at mga pangalan ng mga bagay. Makakatulong itong aktibidad para magisipng lohikal at maghambing ng mga bagay.

Para mas maintindihan ang aktibidad: Sabihin ang mga salita na iyong naririnig. Pagkatapos maglaro ng isang beses, subukang sabihin ang mga pangungusap bago isaayos sa tamang puwesto.

Panggrupong aktibidad: Ipakita ang dalawang bagay. Itanong kung ano ang pinakamalaki o pinakamaliit, at iba pang mga halimbawa. Gamitin ang mga bagay sa kuwarto o maghanap ng letrato ng mga bagay o ilimbag ang mga pahina gamit ang komputer at gupiting ang mga letrato. Bigyan ng isang letrato ang bawat estudyante at hayaan isaayos nila ang kanilang sarili sa tamang ayos. (Mas mainam kung isasaayos ang mga bata na maliliit na grupo, tatlo o apat na bata para sa aktibidad) Maaaring sabihin ng bawat estudyante kung anong letrato ang kanyang hawak. Ilagay ang mga letrato sa mesa at tumawag ng isa o mga bata para isaayos ang letrato. Subukang gumamit ng mga iba’t ibang gamit, hindi lang mga bagay sa laro sa komputer. 

    Filipino Tagalog    Vietnamese 
 soundSino ang pinakamatanda? soundAi lớn nhất?
 soundSino ang pinakabata? soundAi trẻ nhất
 soundAng sanggol ang pinakabata. soundEm bé nhỏ nhất.
 soundAng batang babae ay mas matanda kaysa sa sanggol. soundCô gái lớn hơn em bé.
 soundAng lalaki ay mas bata kaysa sa babae. soundCậu bé nhỏ hơn người phụ nữ.
 soundAng babae ay mas matanda kaysa sa lalaki. soundNgười phụ nữ lớn hơn cậu bé.
 soundAng mama ang pinakamatanda. soundNgười đàn ông lớn nhất.
mamasoundmama soundÐàn ông
sanggol na lalakisoundsanggol na lalaki soundEm bé
babaesoundbabae soundCon gái
batang lalakisoundbatang lalaki soundBé trai
alesoundale soundPhụ nữ