Paano maglaro: May labingdalawang (12) mansanas na nakatago sa puno. Galawin ang panturo at pindutin kung naging kamay ang panturo para mahanap ang mga mansanas. Kapag nahanap mo na ang labingdalawang mansanas, tatalbog lahat ng mansanas. Pindutin ang pulang botones kung nais mong ulitin ang aktibidad.
Anong pag-aaralan dito: Makakatulong itong aktibidad na turuan ang mga mag-aaral kung papaano bumilang. Matutunan din nila na ang bawat bilang ay may katumbas na halaga. Maaring gawin itong aktibidad kahit na hindi alam ng mag-aaral ang bagong wika kung alam nilang bumilang. Matutunan nila kung paano bumilang sa bagong wika.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Bumilang kasabay ng aktibidad. Subukang sabihin ang sagot bago mo pindutin ang botones. Pakinggan kung tama ang iyong hula. Ulitin ang bawat bilang o numero na iyong maririnig.
Aktibidad pang-grupo: Pagkatapos gawin itong aktibidad, maaring bilangin ang mga iba’t ibang bagay sa loob ng silid-aralan tulad ng lapis, libro, at iba pa. Para sa grupo, maaring itanong sa mga mag-aaral kung anong bilang ang susunod. Maari din nilang bilangin kung gaano karaming mag-aaral sa klase.