Hello-World

Filipino Tagalog: Malibang ka habang nag-aaral! Pamilya ni Dalisay

learnFilipino Tagalog: Malibang ka habang nag-aaral! Pamilya ni Dalisay

Pinakikila ng Lola ang kanyang sarili at ang kanyang mga kamag-anak. Pagkatapos ipakilala ang bawat kamag-anak, pumili ng dalawang tao para malaman ang kanilang relasyon.

Paano maglaro: Pinakikilala ng lola ang kanyang sarili at lahat ng kanyang kamag-anak. Pagkatapos mong makilala ang buong pamilya, maari kang pumili ng dalawang tao para malaman ang kanilang relasyon. Ang relasyon ay ilalarawan gamit ang dalawang paraan. Halimbawa, “Ako ang lola niya” at “Apo ko siya.”

Anong pag-aaralan dito: Matutunan ng mga mag-aaral ang mga salita para sa mga miyembro ng pamilya: nanay, tatay, kapatid na lalaki, kapatid na babae, lola, tiya, tiyo, pinsan, at iba pa. Ang pamilyang pinakikilala dito ay makikita sa ibang mga gawain at aktibidad.

Para mapakinabangan ang aktibidad: Maaring konting mga salita ang iyong matutunan sa simula nitong aktibidad. Subukan mong piliin ang bawat pares na tao para malaman ang kanilang relasyon. Ulitin ang mga pangungusap na iyong naririnig. Sa susunod, sabihin ang kanilang relasyon bago mo pindutin ang letrato. Maari mong ilambag ang pahina ng pamilya. Makikita mo itong pamilya sa iba’t ibang mga aktibidad at mas makikilala mo silang maigi paglipas ng mga aktibidad.

Aktibidad pang grupo: Ilambag ang pahina galing ng website, o maghanap ng letrato ng mga pamilya sa diyaryo. Utusan ang isang mag-aaral na isulat ang mga salitang nanay, tatay, anak na babae, anak na lalaki sa letrato. Itanong sa mga mag-aaral, “Anong pangalan ng iyong nanay? Mayroon ka bang kapatid na lalaki? Ano ang kanyang pangalan?” at iba pa. Ipaguhit na sa mag-aaral ang kanilang mga pamilya at isulat nila ang bawat tao sa kanilang pamilya.

Note: Names used are different in each language.
    Filipino Tagalog    Indonesian 
 soundPamilya ni Dalisay 
 soundDalisay ang pangalan ko. sound
 soundAsawa ko si Bayani. sound
 soundMayroon kaming anak na babae. Divina ang pangalan niya. sound
 soundSi Danilo ang aming anak na lalaki. sound
 soundSi Apolinario ang asawa ni Divina. sound
 soundSi Maricel ang asawa ni Danilo. sound
 soundMay anak na lalaki si Apolinario at Divina na nangangalang Amado. sound
 soundMayroon din silang anak na babae. Sampaguita ang pangalan niya. sound
 soundMay kambal na anak si Danilo at Maricel. Maricar at Marife and kanilang pangalan. sound
tataysoundtatay 
anak na babaesoundanak na babae 
anak na lalakisoundanak na lalaki 
magulangsoundmagulang 
lolasoundlola 
lolosoundlolo 
mga ninunosoundmga ninuno 
pamilyasoundpamilya soundkeluarga
nanaysoundnanay soundibu
mga batasoundmga bata soundanak - anak
kambal na babaesoundkambal na babae soundanak kembar
sanggol na lalakisoundsanggol na lalaki soundbayi