Ikaw ang tagamahala ng panahon. Mag-iiba ng damit ang batang lalaki depende sapanahon.
Paano maglaro: Pindutin ang kahit na anong botones para umulan or magniyebe, o para maging mahangin o maulap. Gamitin ang termometro para ibahin ang temperatura. Magpapalit ng damit ang batang lalaki depende sa panahon. Hindi mo mapipiling umulan o magniyebe kung walang mga ulap.
Anong pag-aaralan dito: >Matutunan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang bokabularyo para sa panahon at klima.
Paano mapapakinabanggan ang aktibidad: Maaring pindutin ang kahit na anong bagay sa letrato para marinig ang pangalan nito kung makikita ang kamay na panturo. Subukang pakinggan ang iba’t ibang mga panahon. Siguraduhing ulitin ang bawat salita at parirala na iyong narinig.
Aktibidad pang-grupo: >Maghanap ng mga letrato na nagpapakita ng iba’t ibang mga panahon. Subukang sabihin ang mga pangalan ng panahon at gamitin ang mga salittang naglalarawan ng katugmang panahon. Pumili ng bansa sa mapa o globa, o pimili ng buwan. Itanong sa mga bata kung anong klaseng panahon dito sa bansa o sa buwan na pinili.