Paano maglaro: May tatlong letrato kada problema. Pindutin ang botones sa itaas ng letrato na naiiba. May mga problema na kailangang tignan mong maiigi dahil may isang bagay na nawawala o ibang ang kulay ng isang bagay, o nakatingin sa ibang direksyon ang isang letrato. Pagkatapos piliin ang sagot, ang naiibang bagay ay kikislap habang sinasabi ang dahilan ng pagkakaiba. Maari mong pindutin ang mga ibang parte ng letrato para marinig ang mga pangalan nito.
Anong pag-aaralan dito: Makikita itong aktibidad sa mga iba’t ibang libro para matulungang ang mga mag-aaral na tignan ang mga detalye sa bawat letrato. Maaring gawing itong aktibidad kahit na hindi alam ng mag-aaral ang bagong wika. Mainam na gawin itong aktibidad para masanay ang mga mag-aaral sa tunog ng bagong wika at matutuhan ang mga salita para megaton sila ng vocabulary sa bagong wika.
Para mapakinabangan ang aktibidad: Pindutin ang parte ng letrato na naiiba para marinig ang salita at madagdag sa iyong bokabularyo. Subukang sabihin ang salita na iyong narinig. Ulitin ang mga pangungusap na iyong narinig.
Aktibidad panggrupo: Pagkatapos nitong aktibidad, pag-aralan ang mga bokabularyo habang pinapakita ang mga letrato at nagtatanong “anong bahay ang may pausukan?” , “anong batang babae ang may suot na laso?” at iba pang mga tanong. Hayaang magimbento ng problema ang ang mga mag-aaral gamit ang mga letrato sa diyaryo o rebista at idikit sa papel. Dapat alam nila ang mga pangalan at uri ng mga letrato na kanilang pinili para matanong nila sa kanilang mga kaklase kung masasagot nila ang problema tulad ng aktibidad dito sa komputer.